Giving You Information and Inspiration!

ANG DAHILAN NG DIOS SA PAGBIBIGAY NG BUHAY.




Kung malalaman lang natin kung gaano kahalaga ang buhay na ibinigay ng Dios at ang tunay na kadahilanan ng ating pag-iral ay maaring ito’y hindi na magagamit sa kamalian, siguradong lahat ay gagamitin ito paggawa ng matuwid.
Sa Mateo 10: 29 – 30, sinabi ng Panginoong HesuKcristo,
Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.

Noong sinabi ng Panginoong Hesus na nalalaman ng Ama ang bilang ng buhok sa ating ulo, ipinakikita lamang Niya sa atin ang halaga natin sa Ama at ang Kaniyang pag-big sa atin, na kahit ang kaliit-liitang bahagi ng ating pagkatao tulad ng buhok, ay pinahahalagahan at iniingatan.

May panahon na si Apostol Pablo ay pumunta sa Roma, ngunit habang naglalayag, ang kanilang sinasakyan ay sumalunga sa unos. Lahat ng pasahero ay nagsimulang matakot at maguluhan dahil sa malakas na paggalaw ng tubig sa dagat. Datapuwa’t, sa gitna ng takot at kawalang pag-asa, isinugo ng Dios ang angel kay Pablo upang ibsan ang kanyang takot at bigyan siya ng kasiguruhan na mararating nila ang kanilang patutunguhan.

Gawa 27:23-24
Sapagka't nang gabing ito ay tumayo sa tabi ko ang anghel ng Dios na may-ari sa akin, at siya ko namang pinaglilingkuran,
Na nagsabi, Huwag kang matakot, Pablo; kailangang ikaw ay humarap kay Cesar: at narito, ipinagkaloob sa iyo ng Dios ang lahat ng kasama mo sa paglalayag.

Ang Dios, sapamamagitan ng Kanyang angel, sinigurado sa kanya na walang mawawalng buhay sa kanila, kahit ang banka’y masira. Ibig sabihin, kahit lumubog man ang kanilang sasakyan, walang mawawalang buhay at sila makararating lahat sa Roma.

Gawa 27:34
Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsikain: sapagka't ito'y sa ikaliligtas ninyo: sapagka't hindi mawawala kahit isang buhok sa ulo ng sinoman sa inyo.

Siniguro ng angel kay Pablo na kahit isang hibla ng buhok sa kanilang ulo ay hindi mahuhulog dahil pinagsasangalang sila ng Dios.

Sa Dios, ang buhay ng isang tao ay napakahalaga. Para ilarawan itong mabuti, iInihalitulan ni Kristo  sa maya, kahit na ang mga ito ay ibinebenta murang halaga, na walang mahuhulog sa mga ito sa lupa o mamatay, kung hindi ipahintulot ng Ama.

Kung ang mga maya ay binigyan ng kasiguruhan na kung hindi niloob ng Ama,samakatwid bagay, mas nakasisiguro tayo, mga tao, ay hindi mamatay kung hindi Niya ipahintulot – dahil mas mahalaga tayo sa maya.

Sa kabilang banda, ang kahulugan nito na kapag tayo’y namatay, ito’y kalooban ng Ama.

Ang ating buhay ay nagmula sa Dios; ang ating pag-iral ay nakasalalay sa Kanya. Ang ating kailangang maintindihan ay ang tamang paraan ng ating pamumuhay. Binigyan tayo ng Ama ng buhay upang gamitin sa paglilingkod sa Kanya. Ibig Niyang sumunod tayo sa Kanyang mga utos at tuparin ang kanyang kalooban. Kung Biblia ang pag-uusapan, ito ang ating buong katungkulan at layunin ng pag-iral.

Eclesiastes 12:13
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.

Tayo’y nabubuhay upang maglingkod sa Dios at tumupad ng kanyang mga utos. Tayo ay nilalang para sa mabubuting gawa.

Efeso 2:10
Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Kristo Hesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Para sa Dios, ang buhay ng tao ay napakahalaga; ito ang dahilan kaya iniutos Niya na huwag kang papatay, at ang sinoman na kumitil ng buhay ay mananagot. Iniutos Niya na tayo ay umibig kahit na sa ating kaaway.

Ito ang nagpapatunay na ang aral na ito ay nagpapakita kung gaano pinahahalagahan ng Dios ang buhay ng tao. Kaya nga, nararapat lamang na gugulin natin ang ating buhay ng matuwid. At ito ay sa pamamagitan ng paglilingkod at pagsunod sa Kanyang mga utos.




Share:

Popular Posts

Labels