Kung malalaman lang natin kung gaano kahalaga ang buhay
na ibinigay ng Dios at ang tunay na kadahilanan ng ating pag-iral ay maaring
ito’y hindi na magagamit sa kamalian, siguradong lahat ay gagamitin ito paggawa
ng matuwid.
Sa
Mateo 10: 29 – 30, sinabi ng Panginoong HesuKcristo,
Hindi baga
ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi
mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama:Datapuwa't maging ang mga
buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.
Noong
sinabi ng Panginoong Hesus na nalalaman ng Ama ang bilang ng buhok sa ating
ulo, ipinakikita lamang Niya sa atin ang halaga natin sa Ama at ang Kaniyang
pag-big sa atin, na kahit ang kaliit-liitang bahagi ng ating pagkatao tulad ng
buhok, ay pinahahalagahan at iniingatan.
May
panahon na si Apostol Pablo ay pumunta sa Roma, ngunit habang naglalayag, ang
kanilang sinasakyan ay sumalunga sa unos. Lahat ng pasahero ay nagsimulang
matakot at maguluhan dahil sa malakas na paggalaw ng tubig sa dagat. Datapuwa’t,
sa gitna ng takot at kawalang pag-asa, isinugo ng Dios ang angel kay Pablo
upang ibsan ang kanyang takot at bigyan siya ng kasiguruhan na mararating nila
ang kanilang patutunguhan.
Gawa
27:23-24
Sapagka't nang gabing ito ay tumayo sa tabi ko ang
anghel ng Dios na may-ari sa akin, at siya ko namang pinaglilingkuran,
Na nagsabi, Huwag kang matakot, Pablo; kailangang ikaw
ay humarap kay Cesar: at narito, ipinagkaloob sa iyo ng Dios ang lahat ng
kasama mo sa paglalayag.
Ang
Dios, sapamamagitan ng Kanyang angel, sinigurado sa kanya na walang mawawalng
buhay sa kanila, kahit ang banka’y masira. Ibig sabihin, kahit lumubog man ang
kanilang sasakyan, walang mawawalang buhay at sila makararating lahat sa Roma.
Gawa
27:34
Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsikain:
sapagka't ito'y sa ikaliligtas ninyo: sapagka't hindi mawawala kahit isang
buhok sa ulo ng sinoman sa inyo.
Siniguro
ng angel kay Pablo na kahit isang hibla ng buhok sa kanilang ulo ay hindi
mahuhulog dahil pinagsasangalang sila ng Dios.
Sa
Dios, ang buhay ng isang tao ay napakahalaga. Para ilarawan itong mabuti, iInihalitulan
ni Kristo sa maya, kahit na ang mga ito
ay ibinebenta murang halaga, na walang mahuhulog sa mga ito sa lupa o mamatay,
kung hindi ipahintulot ng Ama.
Kung
ang mga maya ay binigyan ng kasiguruhan na kung hindi niloob ng Ama,samakatwid
bagay, mas nakasisiguro tayo, mga tao, ay hindi mamatay kung hindi Niya
ipahintulot – dahil mas mahalaga tayo sa maya.
Sa
kabilang banda, ang kahulugan nito na kapag tayo’y namatay, ito’y kalooban ng
Ama.
Ang
ating buhay ay nagmula sa Dios; ang ating pag-iral ay nakasalalay sa Kanya. Ang
ating kailangang maintindihan ay ang tamang paraan ng ating pamumuhay. Binigyan
tayo ng Ama ng buhay upang gamitin sa paglilingkod sa Kanya. Ibig Niyang
sumunod tayo sa Kanyang mga utos at tuparin ang kanyang kalooban. Kung Biblia
ang pag-uusapan, ito ang ating buong katungkulan at layunin ng pag-iral.
Eclesiastes
12:13
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay
matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong
katungkulan ng tao.
Tayo’y
nabubuhay upang maglingkod sa Dios at tumupad ng kanyang mga utos. Tayo ay
nilalang para sa mabubuting gawa.
Efeso
2:10
Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Kristo
Hesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya
nating lakaran.
Para
sa Dios, ang buhay ng tao ay napakahalaga; ito ang dahilan kaya iniutos Niya na
huwag kang papatay, at ang sinoman na kumitil ng buhay ay mananagot. Iniutos
Niya na tayo ay umibig kahit na sa ating kaaway.
Ito
ang nagpapatunay na ang aral na ito ay nagpapakita kung gaano pinahahalagahan
ng Dios ang buhay ng tao. Kaya nga, nararapat lamang na gugulin natin ang ating
buhay ng matuwid. At ito ay sa pamamagitan ng paglilingkod at pagsunod sa
Kanyang mga utos.
No comments:
Post a Comment