Dahil sa maraming tao sa
buong mundo ang nagbago ng pamamaraan ng pamumuhay sa panahon ng pandemya, ang
panahong ito na walang katiyakan ay maaring pagmulan ng stess at pagkabalisa sa
mga tao. Sa videong ito, talakayin natin ang mga paraan kung paano natin
mabantayan ang kalusugan ng ating pag-iisip lalong lalo na sa panahon ng
pandemya.
Sa buong mundo, maraming
tao ang nahihirapan na makaya ang pagtigil sa bahay dahil sa palatuntunang
ipinatutupad dahil sa Covd19. Bigla nalang, marami ka ng oras na inilalagi sa
bahay, dahil hindi makalabas. Maaaring ikaw ay nagaalala at nababalisa dahil
marami sa inyong ginagawa ay hindi pwedeng gawin ngayon. Siguruhin mo, sa
panahong ito, na mabantayan mo ang iyong kaisipan. Subukan mong gawin ang
sumusunod upang ang iyong kalagayan ay tumaas at maging matatag ang iyong pag-iisip.
1.
Iwasan ang mga
huwad na artikulo mula sa social media.
Ito
ang pinakmabuting panahon, sa totoo lang, upang tumigil sa social media. Siguruhing
nakakakuha ka ng balita at impormasyon sa mapagkakatiwalaang source, at hind sa
pamamagitan ng pagtingin sa post ng iyong kaibigan at mahal sa buhay. Mas
maraming negatibong impormasyon na iyong mababasa, mas mahirap panatilihin ang
iyong kalagayann buo. Sa halip, kumawala ka muna sa social media kung
kinakailangan, at siguruhing nakakakalap ka ng maasahang impormasyon sa tamang
pinangagalingan nito habang ikaw ay tumutuklas ng mga paraan kung paano malampasan
ang hamo ng sakit na Covid19.
2.
Makipag-usap sa
mga kaibigan at miyembro ng pamilya.
Maaring
hindi ka makalabas at makita ang iyong mga kaibigan at myembro ng pamilya ng
personal, ngunit siguradong pwede kang kumunek sa kanila. Pwede mo silang
tawagan o kaya gumamit ng video chat upang makausap mo sila kahit di kayo
nagkikita ng harapan. Pwede kayong maglaro ng mga games o simpleng
pagkukwentuhan lang. Sa pamamgitan nito mararamdaman mo na may koneksyon kayo
at magiging handa kayo sa mga hamon na nasa inyong harapan.
3.
Mag-ehersisyo
araw-araw.
Kahit
na hindi mo maiiwan ang iyong tahanan, pwede ka pa rin makapag ehersisyo.
Pumili ka ng mga fitness video na tugma sa iyong pangangailangan. Hindi lamang
ito magdadala ng kalakasan, ito rin ay makpagpapataas ng iyong immune system.
Ito rin ay nagpapataas ng iyong emosyonal na kalagayan. Kung napansin mo na
nahihirapan ka sa pagbangon o pagalis sa iyong kinahihigaan, tumayo ka at
umpisahan mo na gumalaw at panoorin mo ang work-out video at simulan itong
gawin. Maraming fitness brands, gyms, at iba’t ibang organisasyon ang
nagbibigay ng libreng fitness video sa
panahong ito ng pandemic at siguradong makakahanap ka ng tugma sa’yo.
4.
Maglinis ng iyong
tahanan.
Ang
mamuhay sa malinis na lugar ay malaki ang magagawa sa iyong emosyonal na
kalagayan kesa sa umupo at hayang maging makalat. Kung merong bata sa inyong
bahay, mapapansin mo na mabilis dumami ang kalat sa bahay. Ito ang magandang
panahon upang i-organize ang mga gawain na karaniwan ay hindi mo pinapansin. Idamay mo ang buong pamilya sa
paglilinis ng buong bahay. Mas makabubuti na maglinis kayong mabuti upang
maiwasan ang mga germs o microbyo na manahan sa inyong tahanan. Ang malinis na
paligid ay nakapagdadala ng mabuti at malinis na kaisipan.
5.
Makipag-usap mga
propesyunal, kung kailangan.
Kung
nakakaranas ka ng depresyon at pagkabalisa dahil sa pandemic na ito, hindi ka
nag-iisa. May mga online-psycholgist na pwedeng tumulong sa iyo upang
malagpasan mo ang iba’t ibang nararamdaman at makabawas ng inyong pagkabalisa.
Maraming mga propesyunal na may kinalaman sa kaisipan ang nagnanais na
makatulong sa panahong ito, tulad ng mental health online seminars na ginagawa
sa pamamagitan ng zoom at google meet.
Maaring
mahirap ang nasa loob lang ng tahanan, ngunit ang resulta nito ay maaring
makatulong upang mabawasan ang paglagananap ng epidemya.
Samantalahin
mo ang panahong ito upang makabuo ka ng mga dapat mong isakatuparan para sa
iyong sarili, maaring maglinis bahay, magehersisyo at limitahan ang panahon sa
social media. Tandaan mo na ang crisis ay mawawala rin, at habang ganito,
pagtuunan mo ng pansin ang pagkakaroon ng malinis na tahanan para sa iyo at
iyong mga kapamilya.
Sana
ay makatulong ang videong ito upang magkaroon tayo ng maayos na kaisipan kahit
nasa gitna tayo ng krisis na ito. Patuloy tayong tumawag sa Dios sa lahat ng
ating mga pinagdadaanan. Kasing layo lang ng tuhod at sahig ang solusyon sa
ating mga pinagdaraanan. Manalangin tayo palagi.
To watch the video regarding this article please Click Here.